Iginawad ni Ms. Alona Diwa,  DOH-Representative ang Pagkilala o Plaque of Recognition sa Ama ng Lungsod Agham ng Muñoz na si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., Ms. Alpha P. Somera, PHN II at sa ating City Health Office na pinamumunuan ni Ms. Abigail Baret, MD para sa aktibo at matagumpay na pagbabakuna laban sa measles-rubella at polio na isinagawa  sa ating minamahal namamamayan ng ating Lungsod.

Salamat po sa mga nabangit sa kanilang walang sawang pagbibigay ng serbisyo publiko para sa kanilang minamahal na mamayan. Saludo po kami sa inyo. Ipagpatuloy po natin ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa.

Sa Muñoz, bida ang kaligtasan at ang ikabubuti ng mamamayan!