Pinangunahan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Munoz ang pag gawad ng Plake ng Pagpapahalaga kay Lt. Col. Honorato S. Pascual Jr. sa kanyang ipinamalas na kahangahangang pamumuno sa pananatili ng kapayapaan sa ating lungsod. Si Lt. Col. Pascual Jr ay ang  commanding officer ng 84th Infantry (Victorious) Battalion, 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army.

Ang buong Science City of Munoz ay lubos na nagpapasalamat sa serbisyo ng ating buong kasundaluhan tungo sa kaunlaran ng ating sambayanan.