Kamusta po ang inyong BAGONG TAON? Masaya po ba? May mga NEW YEAR RESOLUTION na po ba tayo? Okay lang po kung wala ang mahalaga po ay enjoy life, be happy and be healthy.

 Nitong January 4, 2023 ay naganap ang isang pagpupulong para sa paghahanda para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) evaluation kung saan naganap ang isang impormal na pagsusuri  na siyang mabusising tinignan lahat ng mga kinakailangang dokumento at kung handa na ba ang ating Lokal na Pamahalaan sa SGLG 2022.

Ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ay isang award, incentive, honor at recognition-based program para sa lahat ng LGUs at pangako na ang mga LGU ay patuloy na isusulong at pagbutihin ang kanilang pagganap sa mga sumusunod na aspeto sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagsasagawa ng transparency at pananagutan sa paggamit ng pondo ng publiko at iba pa.

Sa pagsisimula palang ng taon ay aksyon na agad ang makikita sa ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ! Aksyon para sa bayan at para sa mamamayan!