Isang pagpupulong ang naganap ngayong Oktubre 30, 2020 sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. kasama si Engr. Josefino F. Correa, City Disaster Risk Reduction Management Officer at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod. Ang nasabing meeting ay isinagawa upang mapagusapan ang mga nararapat na gawin sa pagdating ng bagyong Rolly upang maging handa ang Science City of Munoz at para rin makatiyak sa kaligtasan ng mamamayan nito.