Araw araw na naglalako ng mga iba’t-ibang produkto ang ating mga kapatid na mamamayang muslim sa ating lungsod upang makapagsilbi sa lahat ng ating mga kababayan. Ang paglalako na ito ay tanda ng untiunting pagbubukas ng ating ekonomiya para makatulong sa ikauunlad ng ating lungsod.

Upang maipadama ang taos pusong pagmamalasakit, ang Pamahalaan ng Science City of Munoz sa pamumuno ng ating aktibong Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., ay nagpamahagi ng pagkain at tubig nitong Enero 6, 2022 sa ating mga minamahal na kababayang muslim.

Ipagpatuloy po natin ang paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa ating mga consumer. Saludo po kami sa inyong lahat!