Nais po namin kayong i-update sa isinasagawang PAGKUKUMPUNI NG 100 HOUSING UNITS, AT PAGTATAYO NG EVACUATION CENTER/COVERED COURT AT DAY CARE CENTER sa Barangay Catalanacan, Science City of Muñoz, Nueva Ecija na siyang pinondohan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

 Maliban sa proyekto ng ating TITA MAYORA BABY ARMI na HOUSE REHABILITATION PROJECT ng mga kababayan nating may mga bahay na nasalanta ng bagyo, mga bahay na hindi matatag at mga bahay na lubos na kinakailangan ng pagsasaayos ay patuloy ring  sinusubaybayan at tinututukan ang PAGKUKUMPUNI NG 100 HOUSING UNITS, AT PAGTATAYO NG EVACUATION CENTER/COVERED COURT AT DAY CARE CENTER. sapagkat alam niyang marami sa kaniyang mga kababayan ang matutulungan ng pabahay na ito.