Iba’t iba man ang ating mga paniniwala o ating relihiyon ay patungo tayong lahat sa iisang mithiin, ang patuloy na pag-unlad at pagsasaayos ng ating mahal na lungsod. Dahil ang maunlad na lungsod ay may maunalad na mamamayan.

 Tuwing buwan ng Oktubre ay nagaganap ang PAGLILIPAT NG IMAHEN NI BIRHENG MARIA.  Ang buwan ay nakatuon sa Banal na Rosaryo, isa sa pinakakilala sa lahat ng mga debosyon ng Katoliko. Kasama sa Oktubre ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Rosaryo (Oktubre 7). Ang pinakamahusay na paraan upang ipagdiwang ang buwan ay ang pagdarasal ng Rosaryo.

Mula sa ating Bahay Pamahalaan ay ililipat po ang imahen sa bahay ni Ms. Shierly Manuban ng Pob. South. Ang isang pamahalaan na malakas ang paniniwala sa ating PANGINOON ay isang pamahalaang may mabuting loob para sa ating lungsod at mga mamamayan nito. Isa itong pagpapakita ng matibay na samahan ng ating Simbahang Katoliko at Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.