Kahit gaano katindi ang sikat ng araw ay walang tinag ang paghahatid ng SERBISYONG MEDIKAL ng Lokal na Pamahalaan ng Science City  Muñoz sa pangunguna ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D sa lahat ng ating mga barangay. Layon ng Lokal na Pamahalaan na ibaba ang mga naturang serbisyo o paglilingkod sa pinakamaliit na administratibong dibisyon ng lungsod, ang barangay.

 Kaunti na lamang po at lahat ng 37 barangay ng ating lungsod ay kompletong maabot na ng SERBISYONG MEDIKAL na mula sa puso. Narito po ang mga serbisyong naihatid sa ating mga minamahal na kabarangay:

  Pagsasagawa ng LIBRENG CHECK-UP;  pamamahagi ng LIBRENG GAMOT;  LIBRENG gupit, pakulay ng buhok at hot oil;  PHILHEALTH assistance;  pamimigay ng condom, lubricant, pills at iba pa ng mga kinatawan ng Commision on Population and Development;  Pagtulong ng mga kinatawan ng Commision on Population and Development sa pagpaplano ng pamilya; pagbabakuna laban sa Covid-19;  Dental check-up at fluoride application; LIBRENG pustiso, bunot ng ngipin at salamin;  LIBRENG tuli.

 Walang init ang makakapigil sa serbisyong para sa mamayan natin! Halina at hintayin ang misyong medikal sa ating barangay!!