Pinulong kaninang umaga ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang pamunuan ng ASCOM TODA upang pag-usapan at pagplanuhan ang magiging hakbangin at bagong patakaran sa pamamasada sa napipintong pagbabalik ng operasyon ng pampublikong transportasyon tulad ng tricycle.

Ito ay matapos maglabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng Resolusyon (Resolution No. 40, Series of 2020) na ang ating lungsod ay mapapasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) mula June 1-15, 2020.

Kasama sa pinag-usapan ang matatanggap na ayuda ng ating mga lehitimong miyembro ng ASCOM TODA. Para sa ating mga kababayan na tricycle drivers, mangyari lamang po na makipag-ugnayan po sa inyong presidente at opisyales.