Nag RESBAKUNA na ang unang isang daan (100) na mga batang may edad na 5-11 taong gulang  na walang comorbidity o sakit o kundisyon na medikal  ngayong araw, Pebrero 17, 2022 sa Science City of Muñoz Gymnasium. Binabati po ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang mga magulang na matiyagang naghintay upang mabakunahan at mailayo ang ating mga anak sa COVID-19 at manatiling ligtas ang mga ito. Kaya’t ano pa ang hinihintay natin? Magrehistro na!

Sa mga magulang na nais irehistro ang kanilang mga anak online ay narito po ang link para sa pagrerehistro:

http://bit.ly/SCMCovid19_VaccineReg

Narito po ang mga requirements:

✔️ ID ng magulang (Kung walang ID ay maari pong kumuha ng police clearance or parent affidavit)
✔️Birth certificate (PSA or Certified True Copy of Local Birth Certificate) ng bata.