MUÑOZONIAN ako, sa BAKUNA BIDA AKO!

Inumpisahan ngayong araw, Nobyembre 10,2021 ang pagbabakuna sa unang 100 na mga kabataan na may edad 12-17 taong gulang na WALANG COMORBIDITY o WALANG SAKIT O KUNDISYON NA MEDIKAL sa Science City of Muñoz Gymnasium samantala ang MAY COMORBIDITY O MAY SAKIT O KUNDISYONG MEDIKAL AT DISABILITY ay sa mga ospital tulad ng Pjg Medical Center Cabanatuan At Doctors Hospital.

Ang mga binakunahan ay sumailalim sa 5 hakbang;

Step 1: Registration

Step 2: Vital Signs (Kung saan kinuha ang kanilang Blood Pressure, Temperature at Timbang)

Step 3: Screening/Assessment

Step 4: Counselling

Step 5: Vaccination

Hiling ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na ligtas sa Covid-19 ang lahat ng mamayan ng lungsod kaya’t nais nitong sundin natin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing at palagiang pag gamit ng alcohol.

 Sa mga anak po nating may edad 12-17 taong gulang na WALANG COMORBIDITY o WALANG SAKIT O KUNDISYON NA MEDIKAL ay maari po natin silang irehistro sa link na ito: http://bit.ly/SCMCovid19_VaccineReg

Para naman sa may edad 12-17 taong gulang na MAY COMORBIDITY O MAY SAKIT O KUNDISYONG MEDIKAL AT DISABILITY ay maari po natin silang irehistro sa link na ito: https://docs.google.com/…/1FAIpQLSfZ3cgkIkgswa…/viewform