Simpleng pagpapailaw ng Lungsod Agham ng Muñoz ang naganap nitong Nobyembre 20, 2020. Ginawang payak ang mga desenyo ng ilaw at ang selebrasyon nito upang makiisa sa pagsunod sa health protocol na ipinatutupad sa ating bansa dahil sa pandemyang COVID-19. Ang simple at makulay na pailaw ang handog sa ating lahat ng ating butihing Mayor Kgg. Nestor L. Alvarez, Ph.D. upang sa kabila ng pandemya ay maramdaman pa din natin ang simbolo ng kapaskuhan.