Pinangunahan ng ating President Ferdinand R. Marcos Jr. ang ground breaking ceremony ng Palayan City Township Housing Project in Nueva Ecija na parte ng programang PAMBANSANG PABAHAY PARA SA PILIPINO “Pamaskong handog ni Pangulong Bongbong Marcos at DHSUD para sa bayan” nitong Disyembre 21, 2022 kung saan dumalo din ang ating minamahal at napakaaktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama ang ating VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ. Layunin ng ating presidente ang patuloy na pagtatayo ng ligtas, abot kaya at komportableng tahanan para sa mga Pilipino.

 Kapag natapos ang proyekto, ang community township ay magbibigay daan sa 44 na tower na maaaring mapaunlakan ang 11,000 housing units. Tampok din sa proyekto ang market area, livelihood center, health center at elementarya, bukod sa iba pang mga planong amenities at infrastructures.

 Mabuhay ating President Ferdinand R. Marcos Jr. at ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ. Tulad ng palaging sinasabi ng ating TITA MAYORA ang pagkakaisa at pagtutulungan ay ang daan patungo sa maganda at maunlad na kinabukasan kaya sama-sama tulong-tulong para sa bansa at lungsod nating mahal!