Pagbati sa dalawa nating mahuhusay na kababayan na nagwagi sa Painting Contest and Digital Exhibition. Ang nasabing patimpalak ay bahagi ng selebrasyon at pagdirawang ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija.
Naiuwi ni Ginoong Emel Espiritu ng Barangay Linglingay ang ikalawang karangalan para sa General Public Category. Nakuha naman ni Ginoong Willfredo Ramos III ng Barangay Bical ang pinakamataas na karangalan at People’s Choice Award sa Student Category.
Saludo ang buong Lungsod Agham sa inyong natatanging talento.