Tamang tama para sa paguumpisa ng panibagong taon ang pagtanggap ng allowance ng mga scholar ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ngayong Disyembre 31, 2021. Ang mga scholar na ito ay mga SK kagawad, mga mag-aaral sa kolehiyo, miyembro ng SPED, mga miyembro ng Drum and Lyre, mga miyembro ng Brass Band at mga miyembro ng dance company ng ating lungsod.

Sama sama sa pagsulong, mga kabataan ng ating lungsod ay ibangon. Tulong tulong sa pagharap sa panibagong taon!