Mga kababayan talagang sinigurado po ng ating Butihing Governador Aurelio “Oyie” Umali, Vice Governor Emmanuel “Doc Anthony” M. Umali, Cong. Jose Gay G. Padiernos at mga Board Members ng Probinsya ng Nueva Ecija katuwang ang ating butihin at aktibong Mayor Nestor L. Alavarez, Ph.D. na lahat ng pamilya sa Lungsod Agham ng Muñoz ay mabigyan o nabigyan ng bigas na handog ng Nueva Ecija Rice Distribution Project.  Muli po’y lubos at walang hanggan ang aming pasasalamat sa inyo, sa patuloy na pagmamahal at pagtulong sa aming lungsod. Patuloy po sana kayong pagpalain ng ating Ama na lumikha ng lahat.

 Pasasalamat  kay Sec. Salvador S. Panelo sa kanyang pagdalaw upang bisitahin at kumustahin ang ating lungsod at ang mga mamamayan nito. Samantala ang kaniyang pangunahing rason ng pagbisita ay dahil sa utos ng Presidente ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang alamin ang mga prioridad na pangangailangan ng ating lungsod at ng mamamayan nito sa pamamagitan ni Mayor Alvarez at mga Barangay Chairmen ng lungsod.

 Saludo po kami at ang aming SUPER MAYOR ALVAREZ sa inyong walang sawang pagmamalasakit.

 Iba talaga ang alaga sa mga Novo Ecijano lalo na sa mga Muñozonian.