“Rinig namin ang inyong hinaing.”
Hearing Aid para sa salat o mahina ang pandinig ay patuloy na ipinamamahagi ng Lungsod Agham ng Muñoz, ito ay sa pamumuno ng ating Super Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Marami pong salamat sa ating pamahalaan sa kanyang suporta upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan ng oportunidad na makarinig muli. Bakas sa kanilang mga ngiti ang mangha na kanilang taglay sa pamamagitan ng tinatawag nating tulong sa pandinig upang magbigay ng ginhawa.
Labis ang tuwa ng pamahalaan sa isang 28 taong gulang na mamayan ng ating lungsod na sa unang pagkakataon ay nakarinig ito. Nakakatuwang Makita ang ating mga mamayan na nagkaroon muli ng pag-asa.
Ang pamimigay ng hearing aid ay isa lamang sa mg proyekto para sa ikabubuti nang ating mga mamamayan. Mabuhay ang Science City of Muñoz!
#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan