Ipinamahagi ngayong araw, Nobyembre 10, 2021 ang mga uniform ng ating 200 TUPAD Beneficiaries upang ito ay kanilang maisuot sa kanilang gaganaping tungkulin bilang benepisyaryo.

 Malaking tulong ang ganitong mga programa para sa ating mga mamamayang nangangailangan. Pagbutihin po sana ninyo ang naiatas sa inyong tungkulin bilang isang benepisyaryo.

Ang pamamahagi ay pinamunuan ng Public Employment Service Office sa leadership ni Ms. Mary Joyce D. Tambalque at ng kanyang staff.

 Mag ingat po tayong lahat!