Makulay at masaya ang pamaskong hatid ng tanggapan nina Senator Imee R. Marcos at Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa ating PWD officers, mga dialysis patient, at iba pang mga kababayan nating kailangan ng financial assistance para sa kanilang gamot.

Lubos na nagpapasalamat ang ating pamahalaan sa opisina ni Senator Imee R. Marcos para sa paghahandog ng 1, 500 pesos at nutribuns sa ating mga kababayang higit na nangangailangan. At para mas sumaya pa ang kanilang pagdiriwang ay hindi nagpahuli ang tanggapan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa pagbibigay ng food pack at kalendaryo.

Nagpapasalamat din po tayo sa ating mga katuwang sa pamahalaan na nanguna sa ating programa na sina Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, CSWD Officer Myrna B. Estrada, ABC Pres. Alexander A. Natividad, PLt.Col. Jaime B. Quiocho Jr., at former Coun. Vivencio Cajucom.