Handang-handa na para sa Noche Buena ang ating mga kasamahan sa Tugon sa Usbong ng Buhay Inuming Tubig ang Gabay o TUBIG Project sa pagtanggap nila ng pamaskong hamon at karagdagang food pack mula sa lokal na tanggapan ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Para sa mga katuwang nating nagpapanatili ng kalinisan sa ating inuming tubig sa bawat barangay, munting pasasalamat lamang ito para sa inyong hindi matutumbasang serbisyo lalo na sa panahon na napakaimportante ng ating kalusugan.