“Mananaig ang Pag-Asa tungo sa Maginhawang Buhay”
“Tayo’y Babanbagon. Tayo’y Magkakaisang Haharap sa Kinabukasan”
“Walang Pilipinong Walang Sariling Bahay sa Sariling Bayan”, iyan ang hangad ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program ng ating President Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.
Ang PAMBANSANG PABAHAY PARA SA PILIPINO PROGRAM ay isang housing project sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na may layuning magtaguyod ng tirahan sa mahigit anim na milyong pamilya sa loob ng anim na taon. Para makamit ito ay kailangan ng pagkakaisa ng National Government, Local Government at ng benpisyaryo ng nasabing programa.
Nitong Nobyembre 14, 2022 ay ginanap ang isang Pambansang Pabahay Project Proposal sa ating Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa pamamagitan ng DSHUD sa pangunguna ni Asec. Krizzy Crawford De Leon kasama sina Assistant Regional Director Felix Brazil, Engr. Eleador F. Balgos, OIC-Head at Mr. Ferdinand Zambrano.
Dumalo din sa nasabing Project Proposal sina Mr. Edgardo Quilo, Executive Assistant III at Rodegelio A. Laureta, OIC-HHRO ng San Jose City at mga empleyado sa City Planning Development Office ng LGU Science City of Muñoz
“Sa sariling tahanan magsisimula ang pag usbong ng pag-asa” lubos po itong isinasapuso ng ating Pangulong Bongbong Marcos, ng ating TITA MAYORA BABY ARMI at ng DHSUD kaya inaasahan po namin ang isang matatag na pagkakaisa para sa isang walang kapantay na serbisyo para sa mahal nating Pilipinas lalo na sa mahal nating lungsod.
