Mga kababayan huling pagsusuri na po para sa ating Bakuran Ko, Gulayan Ko 2021 ang isinagawa mula Disyempre 7, 2021 na nagtapos nitong Disyembre 14, 2021. Masusing sinuri ng ating mga evaluator ang mga gulayan sa mga bakuran ng mga barangay at mga household.

Magaganda, malalago at ibat-ibang klaseng  gulay sa bawat barangay at household ang tumambad sa ating mga evaluator. Goodluck po sa ating mga kababayang sumali. Nasasabik na po kaming malaman ang mga nagwagi sa ating Bakuran Ko, Gulayan Ko 2021.

Nagagalak po ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na madami ang mga bakurang naglalaman ng gulay sa ating mga barangay. Ito ay pagtugon sa tinatawag na food security para wakasan ang sobrang kahirapan at gutom na isa sa mga Millennium Development Goals o MDGs ng United Nations. Magpatuloy lang po tayo sa pagtatanim upang patuloy tayong may anihin.