Babangon tayo mga kababayan!

 Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa Program ang naganap nitong Setyembre 28, 2022 sa ating Pag-Asa Gymnasium kung saan ang tatlumpung (30) mga benepisyaryo sa nasabing programa ay mga pangulo ng samahan ng Persons With Disability (PWD) ng bawat barangay sa ating lungsod na mayroong mga negosyo na naapektuhan ng kalamidad o pandemya at mga nais magnegosyo na siyang makakatulong sa samahan ng PWD sa bawat barangay.

 Nagkakahalagang Php 11,340.00 ang BIGASAN STARTER KITS na ipinamahagi ng Department of Trade and Industry-Nueva Ecija Provincial Office.

 Walang katapusan po ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa mga ganitong programa na siyang malaki ang naitutulong sa ating mga kababayan.