Dahil sa walang humpay na kaso ng Covid-19 dito sa ating lungsod, at sa kakulangan ng espasyo ng kasalukuyang Isolation Facility na matatagpuan sa Barangay Catalanacan para sa mga dati at bagong kaso ng Covid-19,  nagpasya ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pansamantalang gamitin muna ang Ospital Ng Lungsod Agham Ng Muñoz na Isolation Facility o Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF)para sa may mga Covid-19.

Ang pansamantalang isolation facility ay naglalaman ng limampu (50) na kama.  Ito ay isang paghahanda para sa dumadaming kaso at panibagong variant ng Covid-19. Sa ngayon, kasalukuyang itinatayo ang Permanent Isolation Facility sa Barangay Rizal, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Ang matagal ng pangarap at ang kauna unahang Ospital Ng Lungsod Agham Ng Muñoz ay akda ni Sen. JV Ejercito. Ito ay ipinatayo ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa masugid na pamumuno nang ating Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at sa pakikipag tutulungan ni Congresswoman Mikki Violago at nang DOH Regional Office III upang magsilbi, unang-una sa ating minamahal na mga Muñozonian at sa mga mamamayan ng mga karatig na bayan nito.

Para sa ikabubuti ng Muñozonians, lahat ay gagawan ng paraan!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan

 Photos Courtesy of City Engineering Office