Para po sa kaalaman ng lahat, nanumpa ang 37 na Kapitan ng mga barangay sa Lungsod Agham ng Muñoz upang gampanan ang kanilang tungkulin para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating lungsod. Sana’y magsilbi itong paalala upang makamtan ang lipunang may malasakit sa bayan at mapangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan.

Sa ngalan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph. D kasama ang lahat ng dumalo sa panunumpang ito na sina  Mr. Crismelito Catacutan, CLGOO, PCOL  Jaime Osit Santos, NEPPO Acting Provincial Director, PLTCOL Jaime B. Quiocho Jr., at Hon. Alexander L. Natividad, LnB President, kami ay umaasa sa inyong pagtugon at pagsuporta para sa mga gawain ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas para sa mas maunlad at mapayapang Science City of Muñoz.

#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ