Para sa patuloy na pag-unlad ng ating mahal na Science City of Muñoz, iba’t ibang ahensya ang dumulog sa ating Lokal na Pamahalan ng Science City of Muñoz na pinamumunuan ng ating mahal na MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ.

 Kabilang dito ang Department of Social Welfare and Development, Field Office III (Region III) na pinagungunahan ni Ms. Zenaida Sampan, DSWD FO3 Accreditor kasama ang ating Presidente ng Day Care Wroker na si Ms. Arlene Vargas na dumulog tungkol sa akreditasyon ng  mga Day Care Centers at Day Care Workers. Ang akreditasyon ay may layunin na:

1. Makapagbigay ng mas pinalakas na hanay ng mga pamantayan sa mga Day Care Centers at day Care Workers para sa mas mabisa at epektibong serbisyo.

2. Protektahan at itaguyod ang interes ng mga bata na nangangailangan ng Day Care Services.

3. Isulong ang pananagutan sa pagpapatupad ng serbisyo sa ating komunidad at sa lugar ng trabaho.

Pagkatapos nito ay naganap ang pagpupulong ng mga City Health Office Officials patungkol sa Vaccination Roll out, kamalayan sa dengue at kung paano ito masusugpo, anti-rabies at iba pa.

Bumisita din si Mr. Artemio C. Veneracion Jr., presidente ng ARaMP Inc., isang dating Muñozonian at siyang in-charge sa rabbit farming industry upang kamustahin ang ating mahal na MAYOR at upang mas paigitingin ang pagkakaisa at pagtutulungan. Kanila ding ipinaliwanag ang mga bagay  tugkol sa rabbit farming para sa mas mataas na kita at para makatulong  sa problema ng kakulangan sa pagkain.