Nais pong ipahatid ng ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez,Ph.D., ang kanyang lubos na pasasalamat at paghanga kay Mr. Orlan Salapare o mas nakilala bilang si “KUYANG NAKA-NMAX” na nakapulot at nagsauli ng pouch ni Gng. Jelly Limon Taganas. Napag-alaman po na ang lamang pera nito na nagkakahalaga ng higit PHP 27,000.00 ay gagamitin sa pagpapalibing ng kanyang ina. Kaya’t lubos ang pasasalamat nila nang maisauli ito.

Isa itong patunay na sa kabila ng pandemya at kahirapan ay nananaig pa rin ang kabutihan sa ating mga puso. Sana’y tularan po natin ang ganitong mga gawain. Maraming maraming salamat po sa pagpili at patuloy na pagpapakita ng kabutihang loob para sa ating kapwa Pilipino. Tayo-tayo na lang din po ang magdadamayan at magtutulungan. Pilipino para sa Pilipino… Nawa’y lubos pa po tayong pagpalain ng ating Panginoon!

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusano