Pinasinayaan ang isang 500 metrong kalsada at tulay sa Sitio Mangandingay, Barangay Curva, Science City of Muñoz. Ang proyektong ito ay itinayo sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., at ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz upang mapadali ang pagbiyahe ng mga produkto o merkado para mapaigting ang pisikal, panlipunan, at pang-ekonomiyang aspeto ng ating lungsod. Ito rin ay makakatulong sa mga mamamayan upang magkaroon ng sapat at ligtas na distribusyon ng pagkain, at mabilis at maginhawang paglalakbay. Kasunod nito ay naganap ang isang libreng medical mission kung saan nagpamigay sila ng libreng gamot at serbisyong medikal sa mga residente ng barangay.
Dumalo din sa programa sina Fr. Reynaldo P. Semeros, MSC, ang Barangay Council na pinangunahan ng Barangay Chairman Ruben L. Ordonio, SK Chairman Rose Marie S. Palaganas, Ms. Armi L. Alvarez, Councilor Jerry S. Fulgencio at Councilor Rodney S. Cabrera.
Lubos na nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa suporta at tulong ninyo upang lalong mapaunlad ang Science City of Muñoz! Mabuhay po tayong lahat!
#ALagangAlvarez
#TatakALVAREZ
#SerbisyongHandog