Simpleng mga ilaw na nagliliwanag sa ating lungsod ang siyang nagniningning sa dilim ng gabi. Mga ilaw na nagbibigay pag-asa na sa kabila ng kinakaharap nating pandemya ay may liwanag na patuloy na nagpapaalala kung gaano kagandang mabuhay. Mga simpleng ilaw na sumisimbolo ng masayang kapaskuhan, pagkakaisa at pagmamahalan.
Nawa’y sa kabila ng lamig ng simoy ng hangin ay mangibabaw ang init ng pagmamahalan ng bawat isa. Sana’y huwag po tayong makalimot na sumunod sa mga minimum health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, pananatili ng social distancing at palagiang pag gamit ng alcohol.
Hiling ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. na makapagbigay ng kasiyahan ang mga simpleng ilaw na ito.
Liwanag at pag-asa sa kabila ng pandemya!