Dahil sa patuloy na kaso ng Covid-19 sa ating lungsod, ipinagpatuloy ng Pamahalaan ng Science City of Muñoz ang pagsasagawa ng mass testing at contact tracing upang masigurado ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan nito.

Sa pakikipagtulungan nina Gov. Aurelio Matias Umali, Vice Gov. Doc. Anthony Umali at Former Congress Woman Cherry Umali kasama ang Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ni Dr. Mikko Wong ng CHO-CESU ay naisakatuparan po ang ANTIGEN ON WHEELS para sa ating mga kababayan. Isang taos puso pong pasasalamat sa inyong pagtulong sa ating mga mamamayan.

Lubos at walang humpay na pasasalamat din po sa ating mga matapang, magiting at bayaning frontliners para sa kanilang patuloy na paglilingkod. Saludo po ang lahat sa inyo!

Mga kababayan, kung kayo ay may nakasalamuha na positibo sa COVID-19, maaari po ninyong ipaalam sa ating BHERT/BHW sa inyong barangay at sa CHO-CESU para sa contact tracing sa pamamagitan ng kanilang hotline number (044) 950 6748 na bukas mula 8 o’clock ng umaga hanggang 4 o’clock ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Tayo po’y magtulong-tulong laban sa COVID-19. “Pagkakaisa laban sa Pandemya”

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan