Mga minamahal naming kababayan, personal pong pinuntahan ng ating MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH. D., ang ating isolation facility. Kanya pong paulit-ulit na inaalam ang pangangailangan ng ating mga pasyente at medical frontliner. Naniniwala ang ating Mayor na mas mapapabilis at mapapaganda ang pagseserbisyo kung makikita niya mismo ang kalagayan ng ating mga kababayan.

AGAD-AGAD na tinugunan at inaksyunan ng ating Pamahalaang Lokal ang pagsasaayos ng ating pasilidad sa buong pwersang pangunguna ng ating Mayor Alvarez, kasama sina Coun. Rodney Cabrera, Coun. Jerry Fulgencio, City Engr. Armando Miranda, SK Federation Chairman Aymand Kaylle A. Miranda, at Mr. Mek Fernandez. Nagpamahagi rin ng health kits, pagkain, at iba pang mga pangangailangan ng ating mga pasyente at medical frontliner.

Mga kababayan dasal po naming wala nang madagdag na kaso ng Covid-19 sa ating lungsod. Sundin po natin ang health and safety protocols. Para po sa mga iba pang mga katanungan at pangangailangan, pumunta po tayo ng diretso sa ating tanggapan. Aasikasuhin po namin kayo. Papakinggan po namin kayo. Ang inyong problema ay aming problema. Sama-sama po tayo sa laban na ito.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan