Para sa nalalapit na pagababalik ng face-to-face classes at booster campaign rollout ay tinipon ng ating PANGULO FERDINAND “BongBong” MARCOS Jr. ang ating mga bagong halal na gobernador at mga mayor.

“Gawin natin itong booster rollout at makakatiyak tayo na wala ng lockdown at ayaw na ayaw na naming magkaroon ng lockdown. Kaya’t ito naman ang magiging pang-counter natin diyan sa pagkalat na naman nitong Omicron and its variants,”

-PBBM

 Nais ng ating Pangulo magsagawa ang mga LGU ng large-scale immunization drive para sa booster shot na nagta-target sa mga bata sa paaralan upang ligtas silang makabalik sa paaralan sa Agosto o Setyembre.

 Dumalo virtually ang ating Pangulo sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19. Samantala ang ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay isa sa mga Mayor na dumalo upang makinig at alamin ang mga nais ng ating pangulo at ito ay ipatupad sa ating bayan.

https://www.facebook.com/PTVph/posts/pfbid0ZZsnUk9bPaJMisuVbLkLVeAkhboKLh9WAKu3PfjngQfCGfQdp16BrJKC5q6dGaWMl