Nag bigay galang kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang bagong namumuno sa Philippine Carabao Center na si Dr. Claro N. Mingala, OIC-Executive Director PCC.

Layon ni Dr. Mingala na mapalawig pa ang proyekto ng PCC sa lungsod at mas mapabuti pa ang pakikipag ugnayan nito sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz.

Ang PCC ay isa sa mga pambansang institusyon dito sa ating Lungsod na kasama sa pananaliksik ng technolohiya ng ibat-ibang paraan upang magkaroon ng mas mahusay na nutrisyon at mas mataas na kita para sa mga pamilyang magsasaka.