Bida ang iba’t-ibang lahi ng mga alagang hayop sa isinagawang pet show ngayong January 19, 2020 sa pangunguna ng City Veterinary Office.

Kapansin-pansin ang masiglang partisipasyon ng mga tinaguriang responsible pet owners sa lungsod na kasabay na rumampa at nagpakitang gilas ang kanilang mga alagang hayop.

Sa huli, nakakuha ng special award bilang Best in Costume ang alaga ni Nesto Cabling, Best in Mirror Image ang alaga ni Mary Joy De Guzman, Most Adorable Pet ang alaga ng ELMAX, Most Obedient Pet ang alaga ni Ken Tabino at nagpakita ng Terrific Pet Tricks ang alaga ni JE Bautista.

Para sa large breed category, nakuha ng alaga ni Jayson Masa ang 3rd place, 2nd place ang alaga ni Warly Dumayag at 1st place naman ang alaga ni Aldrin Rigat.

Para sa small breed category, 3rd place ang alaga Callie Calma, 2nd place ang alaga ni Angelique Dela Cruz at nakuhang muli ng alaga ni Nesto Cabling ang 1st place.

Para sa mixed breed category naman, 3rd place ang alaga ni Marieta Lomboy, 2nd place ang alaga ni Lorna Velasquez at nakuha ng alaga ni Dennis Gascon ang 1st place.

Itinanghal naman bilang Over-all Champion o Best in Show ang Defender K9 na alaga ng ELMAX.

Nag-uwi ang mga nanalo ng sako-sakong dog food at mga cash prizes.

Naki-isa rin sa programa si Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D kung saan ipinakita niya ang kaniyang alagang hayop. Dumalo din si Coun. Jerry S. Fulgencio sa programa.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng City Mayor’s Office, Arvets Poultry Supply, Unahco Inc., Vetmate Farma Corp., Asvet Inc., Aozi Organic Philippines, Yufiya Pet Heaven, Happy Tails (Pet 1) Pet Supplies, The Incredible Raw, TopBreed Dog Meal, Asia-Tech Agri Supplies, Animax Muñoz Pet Supplies, Elmax Petron Gas Station, Aulens General Merchandise, Blue Dragon Auto Supply, Mannalon Agri-Shop at Hage Vet.