Mga Kababayan,

MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (MECQ) po tayo mula May 16 to 31, 2020, alinsunod sa inilabas kahapon na Resolution No. 37 Series of 2020 ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Para sa mga alituntunin at katanungan ay kalakip po nito ang “phased transition guidelines” para sa ating impormasyon. Nililinaw po natin na MECQ po ang ating susundin kung kaya’t bawal pa rin ang alinmang pampublikong transportasyon at hangga’t maaari ay manatili parin sa ating mga tahanan.

Maraming salamat po!