Naganap ang paghahain ng panukala ng PhilHealth sa pangunguna nila Mr. Marvy T. Robledo at Ms. Catherine S. Mallare sa Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ para sa mga programang pwedeng ibaba sa ating lungsod, pagpapadali ng proseso at mass registration sa PhilHealth.
Mula po sa aming pamahalaan ang isang malugod na pasasalamat sa inyong pagbisita at paghain ng inyong panukala. Inaasahan po namin ang mas matibay at nagkakaisang pagsasama!
