“Ensuring a responsive rice R4DE (Research4Development) for a fast-recovering agri-economy”

Maligayang ika-37 na Anibersaryo po mahal naming Philippine Rice Research Institute (PhilRice). Ang Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay nagagalak sa inyong mainit na pagimbita sa inyong masayang pagdiriwang.

Nasaksihan po ng ating Science Community ang inyong integridad at katapatan sa paghahatid ng dekalidad at makabagong Rice Technologies upang matulungan ang ating mga minamahal na magsasaka na maging mas competitive sa industriya ng agrikultura. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pananaliksik ng iba’t-ibang teknolohiya upang makapagbigay ng walang kapantay na serbisyo at pagmamahal sa ating magigiting na magsasaka.

Kasama ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ ay sama-sama po tayo para sa lubos pang ikabubuti ng ating mahal na lungsod at mamamayan nito. Ikinararangal po namin kayo. Mabuhay!