Nag courtesy call kay Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang mga kawani ng Philippine Statistics Authority – PHILSYS ngayong Lunes, Oktubre 12, 2020. Ito ay pinangunahan nina Mr. Roy John Gloria, RO2 at Ms. Luzviminda Magno, RO2.

Ang PSA-PHILSYS o Philippine Identification System o tinatawag din na National ID System ay isang patunay ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ito rin ay siyang magiging gabay sa isang simple, ligtas at maayos na transaksyon sa gobyerno at pribadong sector.

Maguumpisa ang paunang pagrerehistro ngayong araw. Ang mga kawani ng PSA-PHILSYS ay magbabahaybahay sa bawat barangay para sa naturang pagrerehistro.