Naganap ang pagpirma sa MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating masipag at supportive na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, ng Local Civil Registrar sa pamumuno ni Ms. Chari M. Dilla at ng PHILSYS sa pangunguna ni Engr Elizabeth Rayo, Head ng PSA Nueva Ecija nitong Nobyembre 9, 2022.

 Ang MOA ay patungkol sa pagsuporta ng Lokal na Pamahalaan sa Philippine Statistics Authority sa pagpapatupad ng Philsys Birth Registration Project (BRAP).

 Basta para sa ikabubuti ng ating mga mahal na mamamayan at ikauunlad ng ating iniibig na Muñoz ay suportado po ng ating mahal na TITA MAYORA BABY ARMI. Tulong-tulong sa pagsulong!