Bilang parte ng pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng ating San Sebastian Martyr Parish na may temang “100 Taong Biyaya: Hamon sa Pagsasabuhay ng Misyon at Pagdamay sa Kapwa” ay ginanap kahapon, Enero 8, 2022 ang PIDAL CENTENNIAL.
Maraming salamat po mula sa Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa mga kalungsod nating nakiisa at sumama sa naganap na Pidal Centennial, sa mga magigiting nating sponsor: Pamahalaan ng Science City of Muñoz; BMEG; Nutri Chunks; Animal Health Care; Red Maple Multi Resources Inc.; RD Square Enterprises; Northern Farmers Link Trading Corp (NOFALCO); Christian’s Bike Shop; Mr. Lawrence & Mrs. Maritess C. Hidalgo, at iba pa at sa ating San Sebastian Parish Church at sa lahat ng tumulong at nakiisa sa nasabing programa.
Binabati din po namin ang ating butihing Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. sa pagtapos niya sa bicycle route ( Mula San Sebastian Parish Church patungong Brgy. Rizal, Brgy. Linglingay, Brgy. Rang Ayan, Brgy. Gabaldon, Brgy. Pandalla, Brgy. Labney, Brgy. San Anton, Brgy. Matingkis, Matingkis Pavillion, Brgy. Catalanacan pabalik sa ating San Sebastian Parish Church).
Nagkaroon din ng Zumba sa harap ng simbahan bilang parte din ng programa. Pagkatapos ng pagpidal, isang raffle draw ang naganap kung saan ang ilan sa ating mga kababayan na nagrehistro at bumili ng tiket sa Pidal Centennial ay nanalo ng mga sumusunod mula sa ating mga sponsor:
-Bicycle chain oil and t-shirt
-Handle bar
-Bike bag
-2 Mugs and facemask
-2 t-shirts
-Handle grip
-Tale light
-Biking shades
-Compact Mini Pump
-Protect Gold Plus
-Bike (Grand Prizes)