Halina mga kababayan at atin pong sariwain ang ating mga KATUTUBONG SAYAW!

Talagang may talento ang mga kabataan ng Muñoz. Sigurado po kami na agree ang lahat don diba? Mapa-elementarya man o sekondaryang mag-aaral ay talagang nagpakitang gilas sa naganap na PISTA NG MGA KATUTUBONG SAYAW 2023 na ginanap nitong Enero 13 sa ating Pag-Asa Gymnasium.

Tuwang tuwa ang ating mapagmahal na TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa naganap na programa. Kitang kita ang pagiging lungsod ng sining at agham ng Muñoz. Isang masigabong palakpakan ang natamasa ng bawat nagtanghal.

CONGRATULATION po sa ating mga magagaling na nagwagi sa patimpalak sa kategorya ng elementarya ang South Cluster na nagwagi bilang pangatlong pwesto; East Cluster na siyang nagwagi bilang pangalawang pwesto; at North Cluster naman ang nagwagi bilang KAMPEON. Samantala binabati din po namin ang mga nagwagi sa kategoryang sekondarya; ang Muñoz National High School-Main Senior High School ang nagwagi ng ikatlong pwesto; Muñoz National High School-Main Junior High School ang nagwagi ng Ikalawang pwesto; at San Antonio Integrated School (SAIS) naman ang nagwagi bilang KAMPEON.

Lubos din po ang aming pasasalamat unang una po sa ating aktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ, VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, mga Konsehal ng ating lungsod, Dr. Dante G. Parungao, CESO V, Dr. Larry Espiritu, Mr. August Mateo, Ma’am Sheila, Ma’am Dyan Santos, iba pang kawani ng ating lokal na pamahalaan, mga hurado, mga punong guro, mga guro, mga magulang, mga mag-aaral at sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating nakakaaliw na programa.

Muli mga kabataan lalo pa ninyong paigtingin at linangin ang inyong mga talento at patuloy na magsilbing inspirasyon sa inyong kapwa kabataan at sa iba.