“Magtanim ay di biro, Maghapong nakayuko, Di naman makatayo, Di naman makaupo”… “Halina, halina, mga kaliyag, Tayo’y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas, Para sa araw ng bukas, Para sa araw ng bukas!” sabi nga sa isa sa ating Filipino Folk Song. ‘O kay hirap magtanim hindi po ba mga kababayan? Pero walang hirap o pagod ang makakapigil sa paseserbisyo at pagmamahal ng ating TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa ating lungsod at sa mga mamamayan nito.

Mga kababayan naganap nitong January 10, 2023 ang PISTANG BUKID 2023, Alay Para sa Masaganang Ani (A Rice Planting Festival) na ginanap sa Muñoz National High School Main- Junior High School, Science City of Muñoz kung saan personal na dumalo, nakilusong at nakitanim ang ating minamahal na napakasipag at aktibong TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ kasama sina Coun. Vincent Alvarez, Coun. Rommel G. Abon, mga guro at mag-aaral ng MNHS Main.

Sipag at tyaga patungo sa masaganang bukas! Muli po mga kababayan “Kung may itinanim ay may aanihin.”