Mabuhay mga kababayan! Lunes nanaman po ibig sabihin ay Award Day nanaman!

 Pagkatapos ng ating lingguhan Flag Raising Ceremony ay iginawad ng ating Department of Education, Region III-Central Luzon, Schools Division Office-Science City of Muñoz sa pangunguna ni Dr. Dante G. Parungao, CESO V ang isang Plaque of Appreciation sa ating Hon. TITA MAYORA BABY ARMI LAZARO ALVAREZ bilang pagkilala sa kanyang napakahalagang dedikasyon, suporta, at patuloy na paglalaan ng oras, pagsisikap, at iba pa bilang katuwang sa edukasyon sa pagkakaroon ng mahusay, accesible, at de kalidad na edukasyon. Tinanggap ng ating VICE MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, PH.D. ang plaque sa ngalan ni TITA MAYORA BABY ARMI.

 Kanila din pong ibinahagi ang mga magagandang resulta ng pagkakaisa ng Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pangunguna ng ating TITA MAYORA BABY ARMI at VICE MAYOR NESTOR LAZARO ALVAREZ, Ph.D.