Inihandog ng lokal na pamahalaan ng Lugsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. ang isang Toyota Hilux G 2021 Model sa PNP Muñoz na pinamamahalaan ni PLtcol Jaime B. Quiocho Jr., Chief of Police. Malaki ang pasasalamat ng kapulisan ng Muñoz dahil ang naturang sasakyan ay magagamit upang makatulong sa mga tugon tungo sa isang maayos at tahimik na Lungsod at ibang pang opisyal na pangangailangan.

Kabilang sa mga dumalo sa paghahandog sina Coun. Jerry S. Fulgencio, Coun. Rodney S. Cabrera, Mr. Vincent DV Alvarez, Dr. Edmond Balmeo, Mr. Arnel Ruz, ABC President Alexander A. Natividad at representative ng Toyota.