Nag courtesy call ang kinatawan ng UNICEF na si Dr. Abduo sa ating Punong Lungsod Nestor L. Alvarez, Ph.D. ngayong araw, July 30, 2020 para sa validation ng Polio Vaccination dito sa ating lungsod.

Kasama ni Dr. Abduo ng UNICEF sina Ms. Ma. Theresa Mendoza at Ms. Maricel Nagano ng Provincial Health Office para magsagawa ng validation sa Barangay Bantug at Barangay Mapangpang, Science City of Munoz.

Layunin nito na siguraduhing lahat ng batang wala pang limang taong gulang ay nabigyan ng Polio Vaccine.