Naganap ang paglulunsad ng Livelihood Seeding Program-Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (LSP-PPG) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamumuno ni Senior Trade and Industry Development Specialist (STIDS) Mr. Micko Roa L. Dela Cruz kaagapay si Business Councilor Ms. Maneliza B. Romero. Sampung (10) benepisyaryo ang napili na mabigyan ng Sari-Sari Store Business Kits na nagkakahalaga ng Php 11,340.00.

Dinaluhan ni Dr. Raul D. Divina, City Administrator ang programa. Ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating Mayor Baby Armi L. Alvarez ay umaasa na madadagdagan pa ang mga programa na maihahandog ng DTI upang buhay ng mamamayan ng lungsod ay guminhawa.

#PangkabuhayansaPagbangonatGinhawa

https://tinyurl.com/Sari-SariStoreStarterKits