Sa Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz na pinamumunuan ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D., lubos na kaligtasan ng bawat isa ang hangad.  Kahapon, Hulyo 5, 2021 ay sinimulan ang Pre-assessment sa Landbank of the Philippines Muñoz Branch at BanKo Muñoz para sa tinaguriang Safety Seal.

 Muli, ang SAFETY SEAL ay pagpapatunay na ang isang establisimiyento ay napatunayang sumusunod sa minimum na pamantayan sa kalusugan ng publiko na itinakda ng gobyerno, kasama na ang pagsama sa StaySafe.ph sa contact tracing application.

 Mga kababayan pangalagaan po nating mabuti ang ating sarili at ang ating kapwa laban sa sakit na ‘di nakikita. Patuloy tayong magkaisa para sa ligtas at maunlad na lungsod para sa lahat.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan