PRIME WATER! Kung ating bibigyan ng kahulugan ay PANGUNAHING TUBIG na may mahusay na kalidad.

 Mga kababayan,  naganap po nitong Agosto 26, 2022 ang isang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng MWD/PWM Warehouse ng ating Prime Water sa brgy. Bical, Science City of Muñoz.

 Nagpapasalamat po ang Lokal na Pamahalaan ng Science City of Muñoz sa pamumuno ng ating MAYOR BABY ARMI LAZARO ALVAREZ sa inyong walang kapantay na serbisyo para sa ating mga minamahal na kababayan.

 Dumalo sa nasabing program sina Mr. Sonny B. Arandilla ng Prime Wate; Engr. Rogelio L. Miguel, General Manage ng Muñoz Water District; Engr. John Jordan F. Cardenas, Branch Manager ng Prime Water Muñoz; Mr. Aris Ballesteros, Operations Head ng Tarlac/Nueva Ecija Cluster; Engr. Renato C. Vergara, Acting-Chairman of the Board ng Muñoz Water District; Kinaatawan ng ating Hon. Joselito F. Vergara, Brgy. Captain ng Brgy. Bical; ang ating Former Coun. Rodney S. Cabrera na siyang kinatawan ng ating VICE MAYOR NESTOR L. ALVAREZ, Ph.D. at si Coun. Vincent DV. Alvarez.