Nagagalak po naming ibahagi sa inyong lahat mga ka Muñozonian na  malaki na ang progreso ng ating bago at permanenteng isolation facility sa likod ng ating Dialysis Center sa Barangay Rizal, Science City of Muñoz. Kaunting paghihintay na lamang po at mapapakinabangan na ito ng mga mamamayan natin na magkakasakit  ng Covid-19.

 Masugid na tinututukan ng Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pangunguna ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. at ng ating City Engineering’s Office ang ipinapatayong Isolation Facility na may 16 units, 32 rooms. Ang bawat isang unit ay mayroon isang higaan,isang Comfot Room na may shower at isang air-conditioner.

#NaglilingkodngLubosatmayAksyon
#ALagangAlvarez
#TatakAlvarez
#SerbisyongHandog
#KapayapaanKatahimikanKaayusan