Isinagawa ang “Project 21 Repaint All” sa pakikipagtulungan ng Alpha Phi Omega Alumni Association (MUSCAPOAA) No. 193 sa pangunguna ng kanilang Presidente na si PSSg Rey Brent Gongon at ng Scout Royale Brotherhood sa Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Agham ng Muñoz sa pamumuno ni Mayor Nestor L. Alvarez, Ph.D. Walumpu’t pito (87) na miyembro ng nasabing mga grupo ang nagtulong tulong kasama ang ating Senior Executive Assistant na si Ms. Armi L. Alvarez upang pinturahan at muling buhayin ang kulay ng ating Pag-Asa Gymnasium.

 Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa mga ganitong aktibidad na nakakatulong na lalong mapaganda ang ating lungsod. Mabuhay po kayo!